Linggo, Oktubre 16, 2011

MAIKLING KWENTO TUNGKOL SA KALIKASAN



Isang napakagaling na alagad ng sining sa arkitektura ang umusbong noong kalagitnaan ng isang libo walong daang taon sa bansang España sa ngalan ni Antonio Gaudi. Mapagmahal siya sa kalikasan kaya't ito ang kaniyang inspirasyon sa pagguhit ng kaniyang mga obra. Gumagawa siya ng mga gusaling may mga posteng parang sanga ng puno ngunit gawa sa konkreto. Mga korting dahon sa kisame at mga halamang dingding. Naging tanyag siya sa buong bansa.

Sa pag-usad ng teknolohiya ay nagsulputan ang mga de motor tulad ng mga sasakyan na sumikat sa bansang amerika at inglatera. Sa pag-iwas ni Antonio sa makabagong teknolohiya at sa pagmamahal sa kalikasan ay ito ang naging mitsa ng kaniyang buhay. Nabangga siya ng kotse sa isang kalye habang naglalakad.

Nagluksa ang buong bansa sa kaniyang pagkamatay.

Ang makabagong teknolohiya rin ang naging mitsa ng buhay ng halos kalahating populasyon ng España ng pumutok ang digmaang sibil noong 1936. Nanaig ang pwersa ni Francisco Franco sa suporta na rin ni Adolph Hitler ng Alemanya. Bagama't di sila nakasali sa ikalawang digmaang pandaigdig ay naging diktadurya ang buong bansa.

Nang mamatay si Franco noong 1975, ibinalik ang demokrasya ng bansa sa pamumuno ni Juan Carlos na isang dugong bughaw noong panahon ng monarkiya. Sa ngayon naging maunlad ang España at di pa rin malilimutan ang kilalang arkitekto na si Antonio Gaudi na isang mapagmahal sa kalikasan.

Walang mga komento:

Mag-post ng isang Komento