Linggo, Oktubre 16, 2011

MAIKLING KWENTO TUNGKOL SA PAG-IBIG

May matalik na magkaibigan sina Marjorie at John sila’y nasa kasalukuyang nasa ika-apat na taon ng kolehiyo.  Matagal na silang magkaibigan halos kalahati ng kanilang buhay ay sila na ang magkasama at kilala na nila ang isa’t isa.
Isang araw ay inaya ni John si Marjorie sa madalas nilang puntahan na lugar may mga punodoon at sariwa ang hangin.”Bes, masayang-masaya ako ngayon at gusto ko ikaw ang una kong pagsabihan”.nakangiting wika ni John habang nakahawak sa kamay ni Marjorie.”Ano yon?”may pagtatakang tanong nito.”Kami na ni Feliz!”biglang napakayakap si John sabay buhos ng malakas na ulan. Napaluha si Marjorie ngunit hindi iyon nahalata dahil sa ulan.”Masaya ko para sayo”may pilit na ngiti na  lumabas sa bibig ni Marjorie. “Ako na ata ang pinakamaswerteng lalaki sa mundo bes.”bakas pa din ang saya sa mukha ni John.”Pagod na ko. Umuwi na tayo at baka magkasakit pa tayo.”may panghihina sa boses ni Marjorie. “O sige, hatid na kita”may pagtatakang wika ni John.
Matapos ang pag-uusap nila na yoon ay hindi na sila nagkikita at nabalitaan ni John na nagka nobyo na din si Marjorie.
Isang araw ay napagpasyahan ni John na dalawin si Marjorie sa kanilang bahay. “Hi Marj. I miss you.”nakangiting wika ni John(Wala na ang dating kinang sa mata ni Marjorie, wala na din sigla lungkot na lamang ang nababakas sa kanyang mukha)wika ni John sa sarili. “Anong ginagawa mo dito?”matamlay na tanong nito.”Gusto kong makita ka bes.”wika ni John. “Para saan pa? Wala na din kwenta magkita man tayo o hindi” may kirot sa bawat bitaw na salita ni Marjorie.”Mahalaga kasi mahal!”natigilan si John.”Ano?? Wala!.  Alam mo John humiling ako sa bitwin kahit na alam kong hindi matutupad iyon”umiiyak na umalis si Marjorie. Naiwan pa ding naiwan si John.”Bakit hindi ko naituloy ang nararamdaman ko na mahal…..ko si Marjorie”wika niya sa sarili.
Araw nan g kanilang pagtatapos ay hinahanap ni John si Marjorie ngunit sabi ng kaibigan nito na hindi daw ito  dumalo. May biglang lumapit na lalaking may balbas, pula ang mata, at mahaba ang buhok na lalaki kay John.”Hi pare, nakita mob a si Marj? Hindi ba ikaw ang bestfriend niya? Ako nga pala ang nobyo niya”wika ng lalaki kay John.”Bakit sa akin mo tinatanong hindi ba dapat ikaw ang nag-aalaga sa kanya!”nanlalaking wika ni John.”Easy pare ibibigay ko lang sana sa kanya ang regalo ko.”at tumalikod na ito.
Kinabukasan ay nagbabasa ng diyaryo si John ng bigla niya itong nabitawan.Ganito ang kanyang nabasa “A College Graduate is Dead because of her Addict Boyfriend” nasabi doon na pinasubok kay MArj ang drugs na kahit na siya’y hindi pa niya natitikman. “Walang hiyang iyon drugs pala ang sinasabi nitong regalo. Magbabayad siya!”pabulyaw na wika ni John.”Na kay Feliz ang atensyon ko ngunit ang dapat kong inalagaan at hindi pinabayaan ay ngayon ay wala na … ang aking bestfriend. Bakit hindi ko masabi noon pa na mahal na mhal ko siya higit pa sa matalik na kaibigan”umiiyak na wika ni John.

10 komento:

  1. oh my ! it is really a sad story....." the ends justify the means" ... sana John kahit may nubya kana di mo parin pinabayaan ang obligasyon mo sa best friend mo... :(

    TumugonBurahin
  2. T_T nasa huli tlaga ang pagsisisi :(
    sana maging aral ang kwentong ito sa mga taong duwag magsabi ng kanyang tunay na nararmdaman sa taong mahal niya !

    TumugonBurahin
  3. garabi.. napakalongkot ng nangyari sa mag ka ibigan.

    TumugonBurahin